Ina, nasistensiyahan ng 2 taong pagkakakulong matapos itapon ang baby sa loob ng isang coin locker sa isang train station.
07/10/2023
OSAKA - Isang 33-taon gulang na babae ang sinintensiyahan ng dalawang taon na pagkakakulong, at suspensyon ng apat na taon, dahil sa pag-tapon ng sariling bagong silang na baby sa loob ng isang coin locker sa isang estasyon sa Osaka noong Enero 2023.
[caption id="attachment_4548" align="aligncenter" width="600"] (tokyoreporter)[/caption]
Ayon sa court ruling, ang suspek na is Narumi, ay nanganak sa kalye noong Gabi ng June 30. Inilagay di umano ng suspek ang anak sa isang tote bag at isinuksok sa isang coin locker sa Juso Station. Nadiskubre ang bangkay noong Marso.
Mayroong mga coin lockers ang Juso Station na maaaring mag-iwan ng gamit sa matagal na panahon. Nadiskubre ng mga empleyado ang bangkay nang icheck ang nilalaman sa loob dahil matagal nang abandonado ang locker.
Sinasabing isa sa mga dahilan kaya't itinapon ni Narumi ang bangkay ay dahil wala itong pera at nagtatrabaho lang ito bilang isang sex worker, at hindi niya kayang mag-alaga ng bata.
News Source: Japan Today
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.