Babae, arestado sa pagtapon ng kapapanganak na baby sa isang toilet na kung saan namatay ang baby sa pagkalunod
08/21/2023
OSAKA - Inaresto ng Osaka Police ang isang 34-taon gulang na babae sa kasong murder matapos iluwal ang lalaking anak sa loob ng isang toilet sa isang izakaya at pag-iwan sa toilet bowl.
(Woman arrested for leaving newborn son in toilet bowl where he drowned)
Ayon sa mga pulis, ang suspek na kinilalang si Koseki ay nanganak bandang 8:40 ng gabi noong Miyerkules, August 16. Doon mismo sa izakaya nagtatrabaho bilang isang part-timer ang babae. Sa imbestigasyon, napansin di umano ng mga katrabaho ni Koseki na ang tagal nang nasa loob ng banyo ni Koseki, at nang lumabas ito ay bigla nalang itong nahimatay. Sa loob ng banyo ay natagpuan ang bangkay ng bata, at isinugod naman sa ospital si Koseki. Sinabi ni Koseki na hindi niya inaasahan ang nangyari at hindi niya gustong mamatay ang bata. Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari. News Source: Japan TodayJN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.