Lalake, arestado sa pagbuhos ng kumukulong tubig at sa pagpatay sa sariling ina
08/30/2023
YAMAGUCHI - Inaresto ng Ube police sa Yamaguchi prefecture ang isang 64-taon gulang na lalake sa pagpatay sa 85-taon gulang na ina sa pagbuhos ng kumukulong tubig.
Ayon sa mga pulis, ang suspek na kinilalang si Hidetaka Chijimatsu, ay binuhusan ng kumukulong tubig ang kaniyang ina sa leeg at dibdib noong Linggo ng gabi, Agosto 27, at Lunes ng alas-dose ng madaling araw sa loob ng kanilang bahay.
Tumawag siya sa kaniyang kapatid noong Lunes ng umaga upang umamin sa ginawang krimen at dali-daling pumunta ang kapatid at mga pulis sa lugar. Isinugod sa ospital ang ina ngunit binawian ito ng buhay.
Kasamang naninirahan ni Hidetaka ang kaniyang ina na si Keiko na isang disabled at gulay na. Bagama't may caregiver na pumupunta upang tumulong sa pag-aalaga, si Hidetaka parin ang nag-aasikaso sa ina.
Inamin niyang nagalit siya kaya't nagawa niya ang insidente.
News Source: Japan Today
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.