2 Vienamese, arestado sa pag-gawa ng mga pekeng residence card
09/14/2023
GUNMA - Dalawang Vietnamese ang inaresto ng mga pulis noong September 21 dahil sa pamemeke ng mga residence card sa Ota City, Gunma prefecture.
2 Vietnamese arrested on suspicion of manufacturing fake Japanese residence cards
Hinuli ng Gunma Police sina Nguyen Duc Minh, 26-taon gulang, at Bui Thi Ha, 27-taon gulang, parehong nakatira sa Ota City. Kakasuhan sila sa paglabag sa immigration control and refugee recognition act. Ayon sa imbestigasyon, unang beses na nakahuli ang prefecture ng ganitong pamemeke. Karaniwang sangkot ang mga Chinese national sa ganitong kaso, at unang pagkakataon di umano ito na Vietnamese naman ang may pakana. Sinasabing may kasamahan pa ang dalawa na tumulong sa kanila na gumawa ng 12 piraso ng residence card noong August 9 sa loob ng kanilang apartment. Nitong March lang, may nadiskubre ang mga pulis na pekeng mga residence card sa loob ng isang basurahan sa isang apartment building na naging sanhi ng pagsimula ng imbestigasyon. Base sa mga perang pumapasok sa kanilang bank account, nasa 3,000 yen hanggang 6,000 yen ang bentahan nila ng isang pirasong pekeng residence card. Pinaniniwalaan ng mga pulis na libo-libo na ang mga napeke ng grupong ito at iniimbestigahan nila kung gaano kalaki ang sindikatong nasa likod nito. Dagdag pa rito, mayron ring mga pekeng driver's license na nadiskubre ang mga pulis. News Source: Mainichi NewsJN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.