Palayok Restaurant, mga pagkaing Pinoy sa palayok sa Anjo City, Aichi
Ang Palayok Philippine Restaurant sa Anjo City, Aichi Prefecture, ay nagsimula noong Pebrero 1, 2020 at patuloy na bukas para maghandog ng masasarap na pagkaing Pinoy para sa lahat.
Nagsimula ito sa pangarap ni Nanay Lorina na ituloy ang restaurant business na itinayo niya noon sa Pinas. Talagang nagsikap si Nanay Lorina upang matupad ang pangarap niya at muling magamit ang kakayahan sa pagluluto. Halina’t tignan natin ang kanilang mga serbisyo.
IBA’T-IBANG PRODUKTONG PINOY
Isa sa mga pinupuntahan ng mga kababayan natin dito ay ang mga tinitinda nilang mga Pinoy products. Marami silang binibenta na karaniwang binibili ng mga Pinoy sa Pilipinas. May mga de latang pagkain, mga inumin, sabon, shampoo, conditioners, maging mga sangkap sa pagluluto ay meron din dito.
Mawawala ba naman ang mga chichiryang Pinoy? Meron din silang mga pulang itlog, mga tinapay na talagang maaalala mo ang Pinas. Kung minsan ay meron din silang mga produkto na ON SALE sa kanilang Sale Corner.
Sinisigurado din ng lugar na nag-iingat sila sa mga mamimili na pumapasok sa lugar kaya’t handa sila sa proteksyon laban sa pandemya.
PALAYOK RESTAURANT
Kilala ang lugar di lang sa kanilang mga binibentang Pinoy products, kundi sa kanilang restaurant. Regular silang nagbubukas ng restaurant at madaming Pinoy at ibang lahi ang pumupunta sa lugar para ma-enjoy ang mga pagkain.
Pumunta kami sa kanilang eat-all-you-can day at talaga namang sulit ang aming pagpunta sa sarap ng mga pagkain at sa dami ng mga pagpipilian. Merong Kare-kare, sinigang na sobrang sarap, palabok, ube halaya, sisig, at marami pang iba. Siyam na potahe ang hinahanda ng owner kada araw kaya’t makakasigurado kang makakapili ka ng madami.
LUNCH TIME 11:00 – 15:00 (Last Order: 14:30) Tues-Fri
2 Main dishes + Unli Rice | ¥850 |
Kid’s Meal (Elementary Students and below) | ¥600 |
3 Years old below | FREE |
+1 dish | ¥400 |
Today’s Dessert | ¥300 |
DINNER TIME 18:00 – 22:00 (Last Order: 21:30) Tues-Fri
2 Main dishes + Unli Rice | ¥1200 |
Kid’s Meal (Elementary Students and below) | ¥800 |
3 Years old below | FREE |
+1 dish | ¥400 |
Today’s Dessert | ¥300 |
EAT-ALL-YOU-CAN TABEHOUDAI DAY + Drink (every Sat-Sun)
EAT-ALL-YOU-CAN WITH FREE DRINKS (90minutes) | ¥1,800 |
Elementary Students and below | ¥1,100 |
3 Years old below | FREE |
REMINDER: Additional Charge for leftovers |
Tumatanggap din sila ng mga requests at meron din silang mga special meals gaya ng boodle set, barkada set, at iba pa. Bukod pa rito, nagdedeliver din sila at meron ding catering services. At isa pa, nagseserve din sila ng lutong pinoy na nakalagay sa Palayok!
Sinubukan din namin ang kanilang Halo-halo special. Special talaga dahil sa dami ng sangkap at talaga namang legit na halo-halo talaga. Ang owner pa mismo ang gumagawa ng mga nilalagay niya sa halo-halo gaya ng ice cream at leche flan, at ube.
MONEY REMITTANCE SERVICE
Ang Palayok ay authorized partner ng MetroRemit Money Remittance. Makakasigurado kang tutulungan ka ng mga staff sa iyong pagpapadala ng pera sa Pinas.
Nagpapalit ang exchange rate kada araw kaya’t mabuting tignan ang kanilang facebook page o kontakin sila para malaman ang rate sa araw na gustong magpadala.
RESTAURANT AMBIANCE
Maaliwalas at talagang maluwag ang kanilang dining area. Iba’t-ibang ambiance pa bawat upuan dahil inihanda din ang lugar di lang pang-restaurant, kundi pag-host din ng mga salu-salo. Tumatanggap din ang Palayok ng reserbasyon sa mga gustong mag-renta ng lugar at 32 katao ang kasya sa lugar upang makakain.
STORE LOCATION AND HOW TO VISIT PALAYOK
Sobrang accessible ng Palayok dahil sa lapit nito sa station. Mula Minami-Anjo Station, maglalakad lang ng tatlong minuto upang makapunta sa lugar. Malapit ang restaurant sa Valor kaya’t madali lang itong makita.
PALAYOK ADDRESS
PALAYOK Restaurant Anjo City
TUES-SUN 11:00 – 22:00
S.O.E Schedule: 11:00 – 20:00
TEL: 0566-95-3940
〒446-0033 Aichi Prefecture, Anjo City, Hinode Town 2-21
Palayok Facebook Page: https://www.facebook.com/Palayok.Ph.Jp
Gaijin World Youtube Channel Palayok Restaurant, Anjo City VLOG
JN8 -JAPANnavi8-
Ang site ng mga impormasyon na sumusuporta sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.