(BR) Mulher apanha 7 anos por espancar fatalmente a mãe de 82 anos
06/24/2022
HOKKAIDO – Inanunsyo ng Sapporo District Court kahapon, ika-23 ng Hunyo na sinintensiyahan nila ang isang 57-taon gulang na babae ng 7 taon na pagkakakulong dahil sa pambubugbog sa sariling ina hanggang sa mamatay ito sa loob ng kanilang bahay noong Disyembre 2021. 10 taon ang hiniling ng mga prosekyusyon.
Ayon sa court ruling, ang suspek na kinilalang si Yu Inoue, ay pinagsusuntok ang sariling ina na si Kiyomi sa mukha at pinag-aapakan nito sa loob ng kanilang bahay sa Kita Ward noong Disyembre 23, ayon sa Hokkaido Shinbun.
Noong gabi ring iyon, sumuko sa mga pulis si Inoue at inamin ang pambubugbog sa ina.
Napag-alaman na noong umaga ng insidente ay naglilinis ng mga nyebe si Inoue at inutusan niya ang kaniyang ina na bantayan ang kanilang aso. Ngunit nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa dahil sa aso, na nauwi sa pananakit ni Inoue sa ina.
Inamin ni Inoue ang mga paratang at sinabing nawalan siya ng kontrol sa galit dahil sa kung paano siya sagutin ng sariling ina.
JN8 -JAPANnavi8-
Information site supporting foreigners living in Japan.