(BR) Homem de 33 anos preso por colocar pedras nos trilhos do trem
02/15/2023
AICHI – Opisyal na inaresto ng Oguchi Police sa Aichi Prefecture ang isang 33-taon gulang na lalaki sa paglalagay ng mga bato sa isang riles ng Meitetsu line noong nakaraang taon.
33-year-old man arrested for placing stones on train tracks (c) mike enerio
Ayon sa mga pulis, ang suspek na si Hiroki Koike ay naaresto sa paglalagay ng mga bato. Inamin niya ang mga paratang at sinabing naiistress siya sa trabaho at may problema siya sa pamilya kaya’t naisipan niyang gawin iyon bilang distraksyon sa mga problema.
Sinasabing naglagay si Koike ng mga bato sa riles ng tren ng mahigit 3 beses mula Agosto 29 hanggang Setyembre 18 2022 sa riles ng tren sa Konan City, Aichi Prefecture.
Nadaanan ng tren ang mga bago at napilitan di umano itong huminto makalipas ng 50 minutos upang siguraduhin ang kaligtasan ng lahat.
Sumuko si Koike sa mga pulis sa Konan Police Station nitong Enero 20.
JN8 -JAPANnavi8-
Information site supporting foreigners living in Japan.