(BR) Estudante do ensino médio é preso por extorquir dinheiro de uma mulher ao ameaçar publicar um vídeo dela nua
05/24/2023
FUKUOKA – Inaresto ng Kasuga City Police sa Fukuoka Prefecture ang isang lalaking high school student sa kasong extortion matapos tumanggap ito ng 50,000 yen mula sa babaeng nakilala niya sa isang social media site at pananakot sa biktima na ikakalat ang hubad na video nito online.
Ang suspect ay isang 18-taon gulang na estudyante na nakatira sa Hyogo Prefecture. Nagkakilala di umano sila ng babae, 3 taon na ang nakalipas mula sa isang social media site.
Noong Nobyembre 2022, pinutol na ng babae ang pakikipag komunika sa suspek, na siyang naging dahilan nang pagkagalit nito. At noong Disyembre 2022 ay sinabihan niya ang babae na humingi ito ng tawag ng nakahubad habang nakaluhod at kuhaan niya ng bidyo ang sarili.
Ginawa naman ito ng babae at tinakot ang babae na kung hindi siya magbibigay ng 50,000 yen sa suspek ay ikakalat ang kaniyang bidyo online. Dahil sa pangyayari ay nagpadala ng pera ang biktima at dali-dali siyang humingi ng tulong sa mga pulis sa Kasuga.
Nitong Lunes ay opisyal nang naaresto ang suspek at sa ngayon ay hindi ito nagbibigay ng kahit anong panayam.
JN8 -JAPANnavi8-
Information site supporting foreigners living in Japan.