(BR) Os correios suspendem os serviços em meio a uma pandemia
01/31/2022
Ilan-ilan na mga post office na ang napilitang magsuspinde ng operasyon dahil sa patuloy na pagkalat ng virus sa bansa.
Mga post office, sinususpinde dahil sa pandemya
Inanunsyo ng Japan Post na noong ika-28 ng Enero, 45 branch na tumigil operasyon o nagsuspinde ng operasyon dahil ilan sa mga empleyado nito ang nagpopositibo o nagiging close contact.
Maliit man ang ibang branches, may mga lugar na laging pinupuntahan ng mga tao lalo na sa mga probinsya.
Isa sa mga nasuspinde ay ang Post office sa Setagaya Ward sa Tokyo, na nagkakaroon ng mahigit 100 katao kada araw. Sinunspinde nito ang operasyon noong ika-20 ng Enero, at maging ang ATM services ay itinigil din. Pinakiusapan pa nila na gumamit ng ibang post office ang mga tao panandalian dahil sa nangyari.
Ito pang post office sa Setagaya Ward ang nag-suspinde din ng operasyon niton lamang nagdaang Lunes, na nakakatanggap ng mahigit 1,000 katao sa iisang araw.
Sinasabi naman ng Japan Post na posible namang magpadala ng ibang workers para sa ibang mga branches para mapatuloy ang serbisyo ngunit nagiging mahirap na ito dahil sa patuloy na pagdami ng nagpopositibo.
Ngunti sininisigurado naman ng mga nasa posisyon na hindi nila hahayaang magkaroon ng epekto ang mga nangyayari sa kanilang delivery services.