(PH) “World’s oldest living person” na galing sa West Japan, sasali sa 2021 Olympic torch relay
(PH) FUKUOKA – Ang tinaguriang “World’s oldest living person” na si Kane Tanaka, 117-taong gulang, mula sa southwest Japan city ay naimbitahang sumali sa 2021 Tokyo Olympic torch relay. Si Tanaka ay kasalukuyang may hawak ng titulo na “World’s oldest living person” sa Guinness World Record simula Setyembre 25, 2020.
Si Tanaka ay naimbitahan na lumahok sa torch relay nitong na-kalselang Tokyo Olympic 2020, ngunit nagkaron ng delay dahil sa paglaganap ng COVID19 na bansa. At sa bagong balita ay muli nanaman siyang inimbitahan na lumahok para sa susunod na taon. Kung magpatuloy ang pagdaos ng 2021 Tokyo Olympics, si Tanaka ay magiging 118-taon gulang na at 129 na araw ng patimpalak. Laking saya ng pamilya ni Tanaka at inaasahan na nila ang araw na iyon.
Siya ay nirekomenda ng Tokyo Olympic at Paralympic sponsor, Nippon Life Insurance Co., bilang isang tao na maaaring magparating sa mga manonood na magkaron ng positibong pananaw sa panahon ngayon at ipagbigay diwang ang mahabang buhay. Si Tanaka, kasama ang kanyang 61-taon gulang na apo, Eiji Tanaka, ay sinabihan tungkol sa rekomendasyon na ito at agad naman nilang tinaggap at sinabing, “gusto naming makita ng mga tao na dala dala ni Tanaka ang Olympic flame.”
Nitong Marso, 11, 2021, sa Fukuoka prefectural town ng Shime, kung saan ang bahay ni Tanaka, hahawakan nya ang Olympic torch habang itinutulak sa wheelchair ng 200 metro mula sa tahanan.
Bagamat naimbitahan na siya lumahok sa relay ngayon sanang Mayo 12, dahil sa epekto ng pandemya ay nausog ito at sa susunod na taon na siya lalahok muli. At sa taon na ito ng Setyembre 2020, ay naging 117-taon gulang siya at nabansagang pinakamatandang buhay na tao sa buong mundo. Ang titulo na ito ay dating hawak rin ng isang Hapon na si Nabi Tanaka ng Kagoshima Prefecture bago ito pumanaw noong 2018.
Ayon sa kanyang nursing home, si Kane Tanaka ay hindi pinapayagang makita ang kanyang mga kaanak dahil sa kumalakat na virus sa panahon ngayon. Pero ang kanyang pisikal na pangangatawan ay maayos, at palagi syang naglalaro ng games na tinatawag na Riversi kasama ang kanyang mga kapitbahay. Tuwing meron siyang paboritong pagkain gaya ng coke at tsokolate, sinasabi nya sa mga tao na gusto nyang pumunta sa Amerika. Noong nabigyang parangal sya bilang pinakamatandang tao sa buong mundo, nakakuha siya ng certificate of congratulations mula sa gobyerno ng Fukuoka, at kumot na gawa sa Kurume-gasuri (high-quality lokal na koton). Sa bidyong mga nakuha ng staff, kita ang kasiyahan at kasiglahan ng ginang.
Pag-aalala sa paglahok
Dahil sa kaniyang katandaan, maaring makansela ang paglahok ni Tanaka sa torch relay kung hindi magiging maganda ang kanyang kalusugan o kung magiging masama ang panahon sa araw na iyon. Dahil dito, hindi sinabi kay Tanaka ang kanyang magiging paglahok sa susunod na taon upang hindi ito mapaasa. Sinabi ng kanyang apo, “Noong sinabi namin sa kanya na lalahok siya sa 2020 Olympics, nag-alala kami para sa kaniya dahil narin sa kanyang edad. Ngunit naisip namin na magiging masaya kami kung makita siya ng mga tao na masigla habang hawak-hawak ang torch ng mataas. Naisip namin na maiparating sa mga tao na ‘Habang may buhay, may pag-asa.”
Talambuhay ni Kane Tanaka
Si Tanaka ay pang-pito sa siyam na magkakapatid sa baryo ng Wajiro, na ngayo ay parte na ng Fukuoka Higashi Ward. Pinanganak siya noong Enero 2, 1903, 7 taon simula ng inumpisahan ang Olympics sa Athens, Greece. Sa taon na ito ay nagawang magpatakbo ng eroplano ng Wright Brothers at nagsimula ang Russo-Japanese War ng sumunod na taon.
Noong 19-taon gulang si Tanaka,, nagpakasal siya sa kanyang asawa na si Hideo. At noong World War II, ay sumali sa gyera ang kanyang asawa at pinakamatandang anak na si Nobuo. Habang wala ang mga kaanak, nabuhay siya sa pagtitinda ng Udon, at pagkatapos ng gyera ay nag-negosyo ito ng palay kasama ang kanyang asawa.
Noong ginanap ang Olympics sa Tokyo noong 1964, Si Tanaka ay 61-taon gulang.
News Source: Kyushu News Department, Yusaku Yoshikawa
Artikulo tungkol kay Kane Tanaka: Tinaguriang “World’s oldest living person”, nagdiwang ng ika-117 na kaarawan
JN8 -JAPANnavi8-
Information site supporting foreigners living in Japan.