(PH) Mga nawalan ng trabaho ngayong pandemya sa Japan, umabot na sa 80,000 katao
(PH) Ayon sa labor ministry data ng gobyerno, umabot na sa mahigit 80,000 katao ang nawalan ng trabaho o naterminate ang kanilang kontrata dahil sa epekto ng pagkalat ng coronavirus sa bansa.
Sa patuloy na pagkalat ng virus, magkakaron pa ng pagtaas ang job insecurity. Lalo na na nagdeklara uli ng panibagong state of emergency sa Tokyo Metropolitan kasama na ang tatlong kalapit na prefectures, ang Saitama, Chiba at Kanagawa.
Nitong Enero 6, umabot na sa 80,121 ang bilang ng mga taong natanggal sa trabaho o mga hindi na-renew ang kontrata sabi ng labor ministry.
Disyembre 25 ng nakaraang taon, ang manufacturing industry ang naibalitang pinakamadaming natanggalan ng trabaho na umabot na sa 16,717, at sinundan ito ng restaurant industry na nasa 11,021, at retail industry na nasa 10.399. Sinasabing kasama na sa bilang ang mga taong natanggal sa trabaho ngunit nakakita na ng panibago.
JN8 -JAPANnavi8-
Information site supporting foreigners living in Japan.