PINOY FIESTA
Metro Remittance(Japan)Co.,Ltd ay isang branch ng remittance company na nasa pangangasiwa ng PINOY FIESTA.
Malaking bagay na may remittance company na pinangangasiwaan ng kababayan nating pilipino, upang mas mapadali ang pagpapadala ng ating mga kababayan sa Pilipinas at Nepal.
Ang kanilang maka-agaw pansin na signboard!
Makakabili dito ng mga sweets, groceries at mga kagamitan sa pang araw-araw.
Mga paninda tulad ng bigas, at ang paborito ng lahat, ang sikat na sikat na longganisa at iba pa!
Meron din corner para sa mga kababayan natin na habang naghihintay sa process ng kanilang remittance ay pwedeng makipag kwentuhan sa iba..
Pwedeng-pwede din kumain ng mga pinamiling meryenda sa loob ng store.
Maaari ring komunsulta at magtanong ng mga bagay na hindi mo nauunawan about sa remittance upang mas maunawaang mabuti ang serbisyo nila..
Para sa mga tanong tungkol sa remittance, kumonsulta lamang dito.
PINOY FIESTA
11:00~20:00 (close every monday)
Toyohashi City Nakamurada 3-24-1 Sun Heights 1 A
TEL:0532-39-9587
JN8 -JAPANnavi8-
Information site supporting foreigners living in Japan.